This is your very first post. Click the Edit link to modify or delete it, or start a new post. If you like, use this post to tell readers why you started this blog and what you plan to do with it.
First blog post
This is the post excerpt.
This is the post excerpt.
This is your very first post. Click the Edit link to modify or delete it, or start a new post. If you like, use this post to tell readers why you started this blog and what you plan to do with it.
Para sa aking pakikilahok sa klase bilang 5, naisipan kong gumawa ng isang madamdaming tula na pinamagatan kong “Ulan”. Ito’y tungkol sa isang taong sawi sa pag-ibig na hindi magawang makalimutan ang babaeng minahal niya ng buong puso ngunit sa huli’y iniwan lamang siya.
Ulan
ni Hans Chen
Mahal.
Mahal na mahal
ko ang ulan.
Ngunit
hindi ko alam
kung dapat ba
akong mabagabag
na ang dahilan ay
parati niya akong
sinasamahan
kahit na
sa pagtulog.
Sa kabila ng
pagmamahal,
nakapagtataka
kung bakit tila
hindi tumitila ang
ulan sa pag-ambon,
na sa bawat
oras na lumilipas,
sa bawat
pagpatak ng maliliit
na butil ng tubig
mula sa langit
na wari’y
pag-agos ng luha
mula sa mga matang
iniwan at nakaramdam
ng matinding sakit at
dalamhati ay
patuloy pa rin
ito sa paglakas.
Sobra.
Sobrang lakas
ng buhos ng
ulan na ito’y
naging unos
na lumalagapak
sa mga yero
ng bahay.
Sinisira at
winawasak
ang mga pamilya’t
tahanan na
wari’y pagluha
na ibinabalik
ang masasakit na
alaala ng
nakaraan at
umuubos sa
kabuuan ng
isang tao
hanggang sa
pagkamanhid ng
damdamin.
Napakahabang
panahon na
ang nakalipas.
Ulan.
Luha.
Ikaw.
Kalian kaya
titila
ang ulan?
Kailan kaya
ako titigil
sa pagluha?
Kalian kaya
kita makakalimutan,
mahal?
Sa pagtatapos ng Noli Me Tangere ni Jose Rizal, pumasok na si Maria Clara sa kumbento ng Sta. Clara upang maging mongha at tuluyan na siyang nawalay sa kanyang mga mahal sa buhay. Sa kabilang banda, si Padre Salvi naman ay pinili munang manilbihan sa kumbento ng Sta. Clara habang hinihintay ang kanyang pagiging obispo. Mula sa mga pangyayaring ito, hindi natin maiiwasang tanungin ang ating mga sarili kung bakit kaya ito ginawa ni Padre Salvi. Ano kaya ang kadahilanan sa likod ng paninilbihan niya muna sa kumbento ng Sta. Clara kung saan namasukan din si Maria Clara bilang isang mongha? Ano kaya ang gustong iparating ni Rizal sa mga mambabasa tungkol sa mga prayle noong panahaon ng pananakop ng español na ilang ulit niyang ipinakita at inilahad sa kanyang nobela?
Para sa aking pakikilahok sa klase bilang 4, naisipan ko na ipakita, sa pamamaraan ng pagguhit, ang mga pangyayaring naganap sa paninilbihan ni Padre Salvi sa kumbento ng Sta. Clara. Nahahati ang aking guhit sa dalawang bahagi. Sa kaliwa ay makikita natin na si Padre Salvi na pugot ang ulo ay nagmimisa sa harap ng maraming tao sa kumbento ng Sta. Clara habang sa kanang bahagi naman ay makikita natin na si Padre Salvi na mayroon nang ulo ay tuluyan nang gagawin ang kanyang binabalak sa likod ng lihim niyang pagnanasa kay Maria Clara. Ipinapakita ng aking guhit ang patuloy na paghahari ni Padre Salvi at ng iba pang mga prayle sa loob at labas ng kumbento. Kahit na masama ang kanilang mga ginagawa sa likod ng mga tao, dahil sa kanilang kapangyarihan ay napapanatili nila ang kanilang magandang imahe sa mata ng mga mamamayan. Gustong iparating ng kaliwang bahagi ng aking guhit na sa kabila ng lahat ng masamang ginawa ni Padre Salvi at kasama na rin ang iba pang mga prayle ay nananatili pa ring bulag ang mga tao dahil nakikinig pa rin sila sa sermon ng mga padre. Sa kanang bahagi naman, iginuhit ko na may ulo na si Padre Salvi sapagkat sa likod ng mga mamamayan, nakikita natin ang kanilang tunay na kulay. Sila’y tunay at likas na masasama ang loob at parating nilalabag ang mga utos ng Diyos. Ang pugot na ulo ni Padre Salvi na nagmimisa ay nagpapahiwatig ng pagbabalatkayo ng mga padre sa panahong iyon. Pugot ang kanilang ulo sapagkat hindi naman talaga nila gustong magmisa at ikalat ang salita ng Diyos, ginagawa lamang nila ito upang magmuka silang banal. Para kahit gahasain ni Padre Salvi si Maria Clara ay mananatili pa rin siyang banal at mabuti sa mata ng mga tao.
Images cited:
Sa mga nakaraang klase sa Panitikan ng Filipinas, ipinakita ang “The El Bimbo Variations” ni Adam David. Dahil dito, naisipan ko na gumawa rin ng mga variations niya gamit ang ibang linya mula sa ibang kanta. Pinakinggan ko ang ilan sa mga kantang OPM at minarapat ko na piliin ang linyang “Ikaw lang ang aking mahal” mula sa kantang “Ikaw ang Aking Mahal” ng VST & Company. Gumawa ako ng tatlumpung bersyon ng linyang ito na nakabase sa mga variations ni Adam David. Bukod pa rito, may iilan sa mga bersyon ng mga linya na aking sariling inisip at kinatha.
ORIGINAL
Ikaw lang ang aking mahal.
1.) Reductive
Noon ay ikaw lang ang aking mahal.
2.) Unconfirmed Rumor
Mare, totoo ba yung naririnig kong bali-balita? Siya lang daw ang mahal niya?
3.) Confirmed Rumor
Oo, mare! Siya lang ang mahal niya. Sana nga sila na ang magkatuluyan e!
4.) Another Point Of View
Sabi nila ikaw lang ang aking mahal.
5.) Subtle insight
Ikaw nga lang ba?
6.) Forgetful
Ang aking tanging mahal ay…
7. ) With One Letter Altered
Ikaw lang ang aming mahal.
8.) With One Letter Missing
Ikaw ang… Ang aking mahal.
9.) With one Word Altered
Ikaw ba ang aking mahal?
10.) Change Of Characters
Ako lang ang iyong mahal.
11.) Exclamatory
Mga kababayan!!! Mahal na mahal!!! Siya lang ang aking mahal!!!
12.) Doubtful
Ikaw lang ba? Wait.. Sandali lang… Ikaw nga lang ba ang aking mahal?
13.) Derogatory
Talaga?! Ikaw lang?! Kadiri!!
14.) Sarcastic
Ikaw lang… Ikaw lang ang aking mahal. Ikaw lang talaga.
15.) Confession
Alam mo, sa dinadami-dami ng tao sa buong mundo, ikaw lang ang napili kong mahalin.
16.)Knock-Knock Joke
“Knock-knock”
“Who’s there?”
“Ang aking mahal”
“Ang aking mahal who?”
“E’di ikaw lang… Sinu pa ba?”
17.) Dalit
Pag-ibig sayo ay bukal.
Kahit ito pa ay bawal,
Handang isuko ang dangal.
Basta’t ikaw lang ang mahal.
18.) Tanaga
Maniwala ka sana,
Wala talagang iba.
Memorya’t alaala,
Ikaw lang sinasamba.
19.) Diona
Tanging mahal na irog,
Puso ko’y kumakabog,
Ngayon hanggang pagtul0g.
20.) True Philippines Ghost Story
“Mahal? Mahal! ikaw ba yan?”
21.) Map Directions
Ang pinakauna sa lahat, hanapin mo muna ako. Pag nahanap mo na ako, huwag ka nang lalayo pa at parati mo nang hawakan ang kamay ko. Tingnan mo ako sa mata, hagkan mo ako, halikan mo ako sa aking labi, lumapit ka sa aking dibdib, at dinggin mo ang mabilis na tibok ng aking puso. Doon mo malalaman kung gaano kita kamahal, na mahal kitang tunay, at ikaw lang ang aking mahal.
22.) Six Word Story
Kuwento ng buhay ko: “Mahal kita.”
23.) Lipogram on “U”
Over na ako sa mga ex ko.. Ikaw na lang ang aking mahal.
24.) Univocalism on “A”
Mahal na mahal na mahal na mahal ka.
25.) Tautogram on “M”
Mahal, mahirap man.. Mas masarap magmahal.
26.) Sound Effect
“mwah mwah”
27.) Moral Lesson
May Forever
28.) Insistent
Mahal, mahal na mahal na mahal na mahal kita! Ikaw lang talaga ang aking aalagaan at iibigin sa buong buhay ko. Matagal na kitang pinapangarap e. Mawala na sa akin ang lahat, wag lang ikaw! Kahit ano, ibibigay ko sayo, kahit pa buhay ko ito.
29.) Madalas na Paggamit sa salitang “Parang” (dahil marami na sa kabataan ngayon ang gumagamit sa salitang ito sa tuwing magsasalita)
Parang ikaw lang ang aking mahal. Basta! Parang… Parang ikaw na talaga eh.
30.) Annoyed
Oo na!! Ikaw lang nga ang mahal ko! Paulit-ulit e…
Para sa aking unang blog entry, minarapat ko na gumawa ng sampung bugtong na may temang pangkontemporaryo upang mabuhay muli ang ganitong uri ng sining sa Panitikan ng Filipinas. Ang layunin ng aking blog entry bilang dalawa ay mabigyan muli ng pansin at lalo na ng pagpapahalaga sa paggawa ng mga bugtong sa Filipinas dahil malaki ang naging papel nito sa pagbuo ng panitikang Filipino.
1.) Sa oras na umikot,
hindi na makakalikot.
SAGOT: BENTILADOR
2.) Gaya nang gaya,
hari ng pangongopya.
SAGOT: PRINTER
3.) hubo’t hubad,
nakahiga’t walang hiya.
SAGOT: PORNO
4.) Bugtong bugtong,
ang sabi ni Digong,
ayaw ko sayo,
pabuya limang milyong piso.
SAGOT: DRUG LORD
5.) BA-BA-BA,
BA-BA-NA-NA.
Ngayong 2016,
magpapaalam na.
SAGOT: BENIGNO AQUINO III
6.) Mapayat,
mataba,
may pakpak sa likod ang iisa.
SAGOT: TATLONG BIBE
7.) Pinanganak na mapalad,
kahit saan mapadpad,
tangkad sagad.
SAGOT: GUSALI
8.) Kaibigan ng sawi,
ang tanging minimithi’y
makalimot at
ang sakit ay mapawi
SAGOT: ALAK
9.) Handog ay pabahay,
edukasyon, at malaking ngiti.
Ahas na ka pag nakakubli.
SAGOT: GOBYERNO
10.) Ako ay ibinubuga,
pampawala ng problema.
SAGOT: SIGARILYO